Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay Ni Jonalyn Gavino


                     Ako si Gonalyn Gavino, ipinanganak noong July 28,1992, nakatira po ako sa Brgy. San Crispin San Pablo City. Ang mga magulang ko ay sina Nelson Gavino at Lina Gavino, kame ay limang magkakapatid ako ay pang apat sa magkakapatid. Masaya ako dahil nag karoon ako ng mababait na kapatid. Nung bata ako mahilig ako mang asar at mang away pero natutuwa sila sakin dahil kahit ako pala away ako napapatawa ko sina itay at inay at mga kapatid ko. Lage ko sila sinasayawan at kinakantahan kahit na mali mali ang kanta ko basta makita ko sila nakangiti.
                      Pumasok na ako ng elementary sa Brgy. San Crispin Elementary School, ako ay kinder pa lamang hinahatid na ako ng akin ina sa school at kapag nag uumpisa na magturo ang aking guro ako po ay hindi nakikinig at lage po ako nagtatago sa ilalim ng mesa para kumain at magtakaw, kapag nahuli na ako ng aking guro ako po ay naiyak kapag napapagalitan. Graduate ako ng kinder noong march 21, 2000, at draduate aman ako ng secondary noong 2007. Marami ako mga kaibigan noong ako ay elementary masaya kami naglalaro ng chines garten, sikyo, showdown, tumbang preso at patintero samin kame naglalaro pag walang pasok kase malawak ang aming bakuran. Nung elementary ako mahilig ako sumali sa sayaw at may clssmate akong pogi at crush ko siya hanggang ngayon kapag nakikita ko siya kinikilig ako at pati ang bait niya sakin hindi niya alam na crush ko siya, nalaman na niya na crush ko siya nung high school na kami kasi may nagsabi sa kanya na crush ko siya ang nagsabe ay wala ng iba kundi ang bestfriend ko.
ako ito
                     Nung first year ako sa S.P.C ako napasok at may nakilala ako ang pangalan niya ay Renz na naging crush ko siya, at hindi ko alam na may crush din pala siya sakin kaya ko siya nagustuhan dahil mabaet, makulit at super cute hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang sasabihin ko sakanya at pag nakikita ko siya lage nalang ako natatameme at walang salita dahil mahiyain pa ako noon. At nung medyo close na kame lage ko na siya nakakasama at nung naging barkada niya ako naging madaldal na ako kinakausap ko na siya, nagkekwentuhan at naglulukuhan na kaming dalawa.
                      Nung second year ako sa S.P.C parin ako napasok nung magpapasukan na at enrolan na akala ko dun pa napasok si Renz hinanap ko sya kung sa S.P.C parin siya kaso lumipat na pala siya ng ibang school at nung start na ang pasukan nalungkot ako pero di ko inalis sakin na ngumiti kasi ayaw ni Renz na nalulungkot ako at nitong nakaraan na araw marami ako naging kaibigan lage ko sila kasama sa kulitan at sa iba pang bagay. Mabait din sila makulit kaso maaarte pero pinakikisamahan ko parin sila kahit sila ganun at ang hindi ko talaga malimutan ay si Renz at ang mga kaibigan ko nung first year, kasi lage ko sila kasama sa lunch breakat reces. Minsan parepareho din kame kinakain namin at pag walang pasok nag kikita-kita kame at naggagala kung saan at nung matatapos na ang second year nag yayaan kami magkakabarkada na mag swiming.
                    Nung third year ako nagkikita parin kame kahit yung iba ay lumipat na ang iba samin ng school, ilan nalang kame magbabarkada na napasok sa S.P.C. Oo, nagkahiwa-hiwalay kame mag babarkada pero nag tutulungan kame kahit yung iba ay tigil na masaya parin kame at hindi kame nagbabago kahit ako, makulit parin at mabaet, at ang favorite kung guro ay si mam Buenaceda. Super bait talaga niya kahit na matanda na siya mahal namin.



                      Ngayong fourth year lumipat na ako ng school, at sa Dizon High na ako pumasok. Kasi inilipat na ako ng aking ama sa public dahil wala na ako pambayad sa school, pero masaya ako na inilipat ako sa Dizon High dahil hindi na kami mangungutang ng pera upang makabayad lang ako sa aking tuession fee, ang hirap para sakin na nangungutang ang aking ama, minsan naiyak ako pag nangungutang ang aking ama minsan hindi namin nababayaran ang aming inutang na pera. Masaya ako na makakapag tapos na ako kase matutulungan ko narin ang aking mga magulang. Marami din ako naging kaibigan at masya naman ako na nagkaroon ako ng maraming kaibigan, may tawag pa nga sa barkada ko at yun ay jhudhaz. Sa ngayon ay watak-watak na ang aming barkada kase meron kunting di pag kakaintindihan, pero ngayon nag uusap-usap at nagpapansinan na kame, at masaya ako dahil nagkaroon din ako ng 3 pamangkin na mahal na mahal ko.
kuya ko at anak niya
ang aking pamangkin
jona at camille


            Hanggang dito nalang po..salamat po..
ang aking pamangkin

No comments:

Post a Comment