Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay Ni Jonalyn Gavino


                     Ako si Gonalyn Gavino, ipinanganak noong July 28,1992, nakatira po ako sa Brgy. San Crispin San Pablo City. Ang mga magulang ko ay sina Nelson Gavino at Lina Gavino, kame ay limang magkakapatid ako ay pang apat sa magkakapatid. Masaya ako dahil nag karoon ako ng mababait na kapatid. Nung bata ako mahilig ako mang asar at mang away pero natutuwa sila sakin dahil kahit ako pala away ako napapatawa ko sina itay at inay at mga kapatid ko. Lage ko sila sinasayawan at kinakantahan kahit na mali mali ang kanta ko basta makita ko sila nakangiti.
                      Pumasok na ako ng elementary sa Brgy. San Crispin Elementary School, ako ay kinder pa lamang hinahatid na ako ng akin ina sa school at kapag nag uumpisa na magturo ang aking guro ako po ay hindi nakikinig at lage po ako nagtatago sa ilalim ng mesa para kumain at magtakaw, kapag nahuli na ako ng aking guro ako po ay naiyak kapag napapagalitan. Graduate ako ng kinder noong march 21, 2000, at draduate aman ako ng secondary noong 2007. Marami ako mga kaibigan noong ako ay elementary masaya kami naglalaro ng chines garten, sikyo, showdown, tumbang preso at patintero samin kame naglalaro pag walang pasok kase malawak ang aming bakuran. Nung elementary ako mahilig ako sumali sa sayaw at may clssmate akong pogi at crush ko siya hanggang ngayon kapag nakikita ko siya kinikilig ako at pati ang bait niya sakin hindi niya alam na crush ko siya, nalaman na niya na crush ko siya nung high school na kami kasi may nagsabi sa kanya na crush ko siya ang nagsabe ay wala ng iba kundi ang bestfriend ko.
ako ito
                     Nung first year ako sa S.P.C ako napasok at may nakilala ako ang pangalan niya ay Renz na naging crush ko siya, at hindi ko alam na may crush din pala siya sakin kaya ko siya nagustuhan dahil mabaet, makulit at super cute hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang sasabihin ko sakanya at pag nakikita ko siya lage nalang ako natatameme at walang salita dahil mahiyain pa ako noon. At nung medyo close na kame lage ko na siya nakakasama at nung naging barkada niya ako naging madaldal na ako kinakausap ko na siya, nagkekwentuhan at naglulukuhan na kaming dalawa.
                      Nung second year ako sa S.P.C parin ako napasok nung magpapasukan na at enrolan na akala ko dun pa napasok si Renz hinanap ko sya kung sa S.P.C parin siya kaso lumipat na pala siya ng ibang school at nung start na ang pasukan nalungkot ako pero di ko inalis sakin na ngumiti kasi ayaw ni Renz na nalulungkot ako at nitong nakaraan na araw marami ako naging kaibigan lage ko sila kasama sa kulitan at sa iba pang bagay. Mabait din sila makulit kaso maaarte pero pinakikisamahan ko parin sila kahit sila ganun at ang hindi ko talaga malimutan ay si Renz at ang mga kaibigan ko nung first year, kasi lage ko sila kasama sa lunch breakat reces. Minsan parepareho din kame kinakain namin at pag walang pasok nag kikita-kita kame at naggagala kung saan at nung matatapos na ang second year nag yayaan kami magkakabarkada na mag swiming.
                    Nung third year ako nagkikita parin kame kahit yung iba ay lumipat na ang iba samin ng school, ilan nalang kame magbabarkada na napasok sa S.P.C. Oo, nagkahiwa-hiwalay kame mag babarkada pero nag tutulungan kame kahit yung iba ay tigil na masaya parin kame at hindi kame nagbabago kahit ako, makulit parin at mabaet, at ang favorite kung guro ay si mam Buenaceda. Super bait talaga niya kahit na matanda na siya mahal namin.



                      Ngayong fourth year lumipat na ako ng school, at sa Dizon High na ako pumasok. Kasi inilipat na ako ng aking ama sa public dahil wala na ako pambayad sa school, pero masaya ako na inilipat ako sa Dizon High dahil hindi na kami mangungutang ng pera upang makabayad lang ako sa aking tuession fee, ang hirap para sakin na nangungutang ang aking ama, minsan naiyak ako pag nangungutang ang aking ama minsan hindi namin nababayaran ang aming inutang na pera. Masaya ako na makakapag tapos na ako kase matutulungan ko narin ang aking mga magulang. Marami din ako naging kaibigan at masya naman ako na nagkaroon ako ng maraming kaibigan, may tawag pa nga sa barkada ko at yun ay jhudhaz. Sa ngayon ay watak-watak na ang aming barkada kase meron kunting di pag kakaintindihan, pero ngayon nag uusap-usap at nagpapansinan na kame, at masaya ako dahil nagkaroon din ako ng 3 pamangkin na mahal na mahal ko.
kuya ko at anak niya
ang aking pamangkin
jona at camille


            Hanggang dito nalang po..salamat po..
ang aking pamangkin

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Angelo Villareal




ako ito noong ako ay bata pa
          Ako si Angelo Balod Villareal,nakatira sa Barangay san Joaquin San Pablo City. Ipinanganak ako noong Hunyo,271994, ang aking mga magulang ay sina Walter at Angela Villareal, may 2 akong kapatid.Noong ako ay bata pa ay naalala ko na mahirap ang naging buhay ko noon dahil sa isa pa lang akong anak ay naiibigay pa ng aking magulang ang mga gusto ko pero ng kami ay naging tatlo na ay bihira na akong makahingi sa aking magulang.


          Napagaral nila ako ng ako ay apat na taong gulang pa lamang, pumasok ako noon ng kinder, noong una ay takot pa akong pumasok dahil wala pa akong kakilala pero may mga pinsan ako na doon din pumasok kayat sila ang aking naging kaibigan.Habang tumatagal ay marmi na rin akong nagiging kaibigan dahil mahilig ako noong makipaglaro. Kasama ko pa noon ang aking pinsan at siya lagi ang aking kasama pag uwi.noon ay mahilig pa kaming umakyat sa puno,nahulog ako noon sa puno dahil hindi ako nakakapit sa puno bumagsak ako at wala namang nangyari sa akin.


ako ito noong nasa kumidor kame
         Noong grade 1 na ako ay iba  na ulit ang akina mga kaklase  dahil sa iba na pumasok ang aking mga pinsan ako na lamang ang natira sa aming mag kakabarkada noon kayat naghanap na ulit ako ng mga bagong tropa,hindi ako nahirapan sa paghahanap ndahil doon din pala pumasok ang aking kapitbahay.Siya ang lagi kong kasama noon kahit sa paliligo sa ilog ay kami ang magkasama. Minsan ay nahuli kami ng nanay ko na naliligo sa ilog at kinuha ang aming damit umuwi kami noon ng hubot hubad, dahil don ay  hindi na kami naligo sa ilog at iba na lang ang aming napaglibangan. Basketball naman ang aming nilalaro noon at lagi kaming naglalaro kasama ang iba ko pang pinsan.


          Noong grade 2 ay marami akong naging tropa dahil iyon ulit ang aming kaklase, napaaway pa kami noon dahil kinukulit namin ang isa naming kaklase, napatawag ang aming magulang at ako ay napag palo noon. hindi na kami nakipagaway pa dahil natakot ako sa aking magulang dahil sinabi niliua na isasako daw nila ako pag ako ay nakipagaway pa.nahirapan ako noon dahil mataray ang aming mga teacher ayaw ko pa naman sa mga guro na matataray.Nakapasa pa rin naman ako dahil sa aking sipag at natuwa sa akin ang akiung mga magulang.
ako ito noong  third year

          Noong grade 3 ay maganda ang pasok ko dahil tanda ko po noon na wala akong absent dahil marami lagi akong baon kaya napakasipag kong pumasik noon.Kaklase ko ulit ang aking pinsan kami ulit ang magkasama kahit noong bakasyon pa lamang at kami ay nangunguha pa ng niyog pag kami ay ubos na ang pera,nanghuhuli din kami ng isda pag kami ay walana magawa sa amin.noon ay mahilig din kaming makipaglaro sa ibang bata at tanda ko noon ng kami ay grade 4 may nagustuhan kaming 2 kayat doon lagi kami nakikipaglaro.


           Noong grade 5 ay may nakaaway na naman kami at napadapa kami ng guro namin, pinalo kami noon at hindi naman kami nasaktan.Ng grade 6 na kami ay masaya kaming lahat dahil gagraduate na kami wala na kaming ginawang kaso noon dahil mahirap na pag hindi kami nakapasa.noong graduation na ay masama ang nangyari sa akin noon dahil noong gabi ay nakagat ako ng leywan sa mata kaya  gumaraduate ako noon na paga ang mata hiyanghiya ako noon dahil singkit ang aking mga mata pati sa picture ay ganun pa din ang aking itsura masaya kaming lahat dahil nakapasa na kami ng elementary.


ito naman noong gagradute na ng fourth year
ako ito noong ako ay fourt year
Noong ako ay pumasok na sa high school ay maharap ang aking naging pagpasok noon dahil inaapi pa rin ako ng mgfa kaklase ko kayat noong hindi na ako nakatiis ay hindi na ako pumasok dahil hindi nila ako iginagalang napasama ako noon sa aking barkada at doon ay lagi kaming masaya ngunit hindi ko naisip na mali ang aking ginagawa dahil mahigit isang buwan na ako sa video karera doon lagi ako pumupunta bdahil tinatamad na akong pumasok.nahuli ako noon ng aking ina at hindi na nila ako pinapasok wala na akong nagawa dahil nagulpi ako ng tatay ko noon kayat sinusunod ko na lang ang kanilang iniuutos nakapasok pa din ako noon dahil sa baka sakaling mahahbol ko pa ang aking pag aaral. 3 ang aking naging bagsak noon kayat ako ay balik 1st year. pumasok ulit ako noon ng first year at nag advance pa ako noon sa 2nd year.masaya ako noon dahil mababait na ang aking mga kaklase, noong third yera naman ay ganun pa rin ang aking mga kaklase dahil 3j pa din kame noon ay laging  nag lalaro ng basketball iyon na lang ang aming nakahiligan mua na kami ay naging third year at noon din ay marami na akong  naging barkada doon din ako natutong lumaban sa mga taong nang aapi sa akin date. sa tuwing kami ay aawas ay diretso na agad kami sa court doon lagi kami pumupunta dahil wala pa kaming pasok nakapasa naman kami noon dahil sa mga project na ibinigay ng mga guro ko noon.


           Sa 4th year ay masaya ang lahat dahil ito ang huling stage para makagraduate masaya din ang aking mga magulang dahil gagraduate na ako.nakilala ko noon si paeng at siya na lagi ang aking kasama marami din akong naging kabarkada noon dahil sa kanya. Doon na rai kami tumatambay sa kumidor dahil doon din naman kami kiumakain mula noon ay masipag na akong pumasok at noon din ay mas dumami pa ang aming mga barkada at para na kaming isang pamilya na laging sama sama, umaasa din ang aking magulang na matatapos ko ang high school.  Dito na natatpos ang aking talambuhay.

Ang talambuhay Ni Rafael Estrella


                     
eto ako noong bata pa ako
          Ako si Rafael Estrella nakatira sa Brgy. cavinti laguna, ipinanganak noong ika Agosto 19, 1993, at sa nakakaalam po ng aking pag kabata ay napaka kulit ko po daw noong ako ay bata pa at palage akong may bukol sa ulo o sakit sa katawan. Naaalala ko noong bata pa ako ay ang pag aaway naming magkakapatid dahil lang sa simpleng bagay, tulad ng pag agawan ng laroan, at naalala ko parate akong naihi sa higaan kaya laging ang panghe ng aking kumot. Simula ng nag aral ako ng daycare at nakarating ako ng unang antas ng Elementarya marami napong masasayang nangyari sa aking buhay o malungkot na karanasan, tulad ng ako ay naaksidente dahilan ng kakulitan. Natusok ang aking hita ng kahoy at pumasok sa loob ang kahoy at kinailangang operahan sa hita, pag galing ko po naman ang kamay ko naman po ang nabale dahilan ng pag akyat sa puno  na aking ikinahulog at sa kagandahang palad ay bumalik naman sa normal ang aking kamay dahil sa araw araw napag hilot ng aking ama.
ako at ang aking matalik na kaibigan na si agdon
            Dumating na ang araw na nakatapos na ako ng Elementarya at nakatungtong ako ng unang antas ng HighSchool marami ng nag bago saking sarili, natuto nkong tumulong sa aking magulang at minsan po ay kapos kame sa pera ay gumagawa ako ng paraan kasama ang aking magulang para malampasan ang pagsubok na ito. Pumuponta kame ng gubat para doon mag hanap ng aming mapag kakakitaan.



eto ung mga classmate noong fourth year




              Noong nakatapos na ako ng unang antas ng HighSchool ay sa maynila ko na ipinagpatuloy ang aking pag aaral, sa kadahilanang makatulong ako sa negosyo ng aking nakakatandang kapatid, doon ay nag kakayod ako ng niyog at minsan naman ay tagabantay ako ng tindahan ng damit at iba pa. Nag titinda din po sila ng prutas doon ay naibile ako ng bike na may sidecar, at doon nakalagay ang pruhtas na aking ititinda hangang sa kumita. Kinabukasan ay gigising ako ng umaga para mag aral, matatapos ang aking klase ng 12:00 ng tanghale at pag dating sa bahay ay mag luluto pa ako para sa aking kakainin, at mag iimis ng bahay  hangang ang ate ko ay nasa nigosyo, sa kasawiang palad ay hindi ko natapos ang aking pag aaral ng ikalawang antas ng highschool at bumalik ako sa cavinti laguna para doon ko ipag patuloy ang aking pag aaral, sa kadahilanang hindi ako masoportahan ako ng aking magulang ay nag buo kami ng isang grupo para makasali sa mga paligsahanng sayaw. at sa kagandahang palad ay hindi kami nawawala sa nag wawagi sa kompitisyon, noong sumapit ang pag hihiwalay nming mag kakagrupo dahil sa sila ay may trabaho na ay ang aking ginawa para kumita ng pera ay nag pahinante ako ng kargahan kahoy at dinadala namin ito sa mga pagawaan ng tinapay tulad ng pandi manila at ang aking suweldo ay hinahati ko sa dalawa para sa aking magulang at sa aking pag aaral.
             Dumating ang araw na natapos ko ang ikalawang antas ng pag aaral ay sa san pablo laguna ko ipinag patuloy ang aking pag aaral at nakatira ako sa bahay ng aking tiya doon ay kasama ko ang aking mga pinsan na katulad kong pinag aaral din ng tiya. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay para hindi naman po ako mapahiya sa aking tiya. Simula ng nag aral ako sa DIZON HIGH NATIONAL HIGHSCHOOL sa lundsod ng San Pablo at nag karoon po ako ng mga bagong kaibigan. Sa kagandahang palad ang gaganda po nilang makisama at ganun din naman po ako kaya halos mag dadalawang taon na ay kamikami parin ang mag kakasama, ng ako ay mag forth year na ay nag karoon po ulit ako ng bagong kaibibgan.  Dito ay lagi akong masaya dahil tawanan ng tawanan kulitan at ngayon ay graduating ako at kasama ko sila para mag aral at kasama ko sa lahat ng activity, dito ay lagi na akong pumapasok para maka tungtong ulit ako sa stage at matapos ko ang aking pag aaral ng sa ganon

makapag trabaho ako o sideline para sa aking pag cocollege upang hindi na ako umasa sa aking tiyahin.
eto ang  aking matalik na kaibigan at lagi kong kasama si denis at jeloy
ako ito nung third year student ako
                        ito po ang pagtatapos ng aking talambuhay maraming salamat po sa bumabasa nito

Ang Talambuhay Ni Russel Manguerra



picture ko parin ito ngayong forthyear
ito ang picture ko noong bata pa ako
              Ako si Russel Manguerra nakatira sa Brgy. San Gabriel Sitio 1, ako ay isang batang masayahin mula pag kabata pero minsan malungkot din. Tanda ko pa noong bata pa ako ay naglalaro pa ako, ang sarap maging bata minsan din pag ka naging binata ka. lAge akong naglalaro, tuwing tanghale ay natutulong hangang dumating ang pagkakataong mag aaral na ako at ang saya ko kasi andami kong kalaro, first day ko sa school mahiyain ako dahil andami kong batang di kilala, lumipas ang araw nakakalaro ko nalahat ng classmate ko kahit babae kaasaran ko, tanda ko pa inasar ko ang classmate ko ng aso kasi kapangalan niya ang aso namin.
               Nung bakasyon ay mahilig kaming maglaro ng pinsan ko, kong ano-ano ang ginagawa namin, lutolutoan, bahay bahayan at kong minsan habulan. Tanda ko pa na tinalsikan ako ng plastik sa kamay na may apoy at hinding hindi ko malilimutan ang nangyaring iyon. Hangang ngayon andito pa ang peklat na nag sisimbulo sakin ng kakulitan, naalala ko ibat ibang klaseng laro mapa sikyo patintero, sipa bola at iba  pa, at minsan karera ng bike. Tanda ko nag dagasa ako sa bike anlake ng sugat ko halos parang ulam na ang tuhod ko, ilang araw din akong di masiyadong di makalakad inggit na inggit ako sa pinsan ko.
                Noong ako ay grade 3 ang saya kasi puro salawan pero takot ako sa aming guro kasi yung classmate ko ay nag ingay nilagyan ng lipstick na ginamit sa patay kaya ako di nag iingay sa room. Pag sabado napunta kami ng ilog at nanghuhuli kame ng isda tanda ko nakahuli kame ng pawikan at nakakita kame ng dalawang pagong.Inalagaan namin kaso malas daw kaya pinalaya nalang namin at inilagay sa ilog, at noong nanghuli ulit kame isang pawikan ulit ang nahuli namin.

                Noong bakasyon lagi kaming kinakalbo kase mainet kaya lahat kaming mag pipinsan ay kalbo. Saya namin lage kaso nag away ang mga magulang namin,pero di kame nag papaapekto sa away nila, tanda ko nag gawa kame ng bahay kubo subalit nong matapos na, ay gumuho ito at para kaming lantang gulay. Naglaro nalang kami para di namin maisip ang nangyaring iyon at nagtagu-taguan kame sarap maglaro, natatawa ako  kasi nung ako ay humiga sa damohan ay hindi ako nakita kaya ayon naka save ako.
                 Tanda ko  nag hanap  kami ng gabe at niluto namin kaso ilang minutong lumipas ay nangate ang aming mga bibig. Iba pala ang nakuha naming gabe, lahat kame ay nagsipilyo subalit ayaw matanggal.
                  Tanda ko pa noon nalagpakan ako ng langka sa ulo dahil sa kakulitan ko, nanunungkit kasi ang tiya ko at ako namn ay patakbo takbo ayon sapul sa ulo. Nahimatay ako at pinainom agad ako ng tubig, paggising ko ay nakahanda na agad ang pamalo ng nanay ko akala ko maaawa sakin pero hindi pala at pinalo pa ako.
                   Nagswiming naman kame sa may amin ang kaso nabitin kame kaya nung gumabi ay nag swiming kame ng patago. Lulubog nlang kame pag may tao hanggang bsa umalis nalang ito, kinabukasan umulan at kahit nakulog ay tuloy parin sa paliligo takbuhan sa baha at nagtatampisaw pa. Kung matatndaan ko pa ay napilayan ako dahil sa pagliban ng bakod, ilang linggo rin ako nasa ospital sarap buhay pero naawa ako sa mga magulang ko dinala ako sa community pero walang bisa kay nagpasya ang magulang ko na dalin ako sa naynila at doon ako pinagamot. Bumiyahi kame papuntang maynila hanep first day ko sa maynila an saya kaso nakita ko magulang ko naiyak kaya natulog nalang ako kesa makita ko ang magulang kong nasasaktan. Ayan na nasa ospital na kame katakot kasi pag pasok mo palang ay makikita muna ang mga pasyente halos lahat binabarene ang paa. Tinignan nako ng dorto  at itinuwid ang paa ko napasigaw tuloy ako kahiya pero ayos lang. Naging player pa ako ng vollyball ng hindi alam ng magulang ko. Minsan akong nakita ng aking magulang akala ko ay hindi ako papagalitan, pag dating ko ng bahay ay doon ako nasermonan karinde pero ayos lang kase tama naman ang kanilang ginagawa at alam kong para sakin din ang kanilang ginagawa. Dumating na nag plano kame ng swimming ng mag pipinsan ant sa laiya
ito ung aking picture nitong forth year
                       Dumating ang araw na gagraduate nako at eto ako masaya, kasama ko ang magulang ko ansaya kase kumain kame sa jollibee pag tapos ng graduation. dumating ang bakasyon at ansaya naming mag pipinsan kasi ibinalik ulit ung larong aming ginagawa pag wala kaming magawa, ansaya kase lahat kame ay mag kakasundo.
                        Nag first year ako at laging nag lalaro kase medyo bata bata padin ang isip ko noon, saya pag walag pasok pumupunta ako sa classmate ko madame din kameng nag gagala. Minsan umakyat kame ng telepas a t doon nasira ang sapatos ko pero di parin kame ntigel sa kagagala. Dumating  yong araw na mag susuwimming nanaman kame ang saya ang ganda ng view noon lang ako nakakita ng ganoong lugar kase noong first year lang ako nakakagala ng ganun.
                       Second year na ko at nakakilala ako ng isang maganda at mabait na babae kaya kinuha ko agad ang number nito kase parang inlove na ako. Naging kame ansaya namin lage ang sweet pero minsan nag aaway din pero saglit lang at hindi namin ito pinatatagal kase bka mauwe sa hiwalayan.May barkada kame at 13 kame lahatlahat. Dito ay lagi kameng nag gagala at minsan ay nag iinom pero kaunte lang kase napasok pa kame.
                      Nag third year ako at diko na classmate ang girlfriend ko ansama pero kahit ganun ay di nag layo ang samahan namin, mahal na mahal namin ang isat isa kaya naman di ko na siya pinakawalan. Lage ko siyang inaantay dahil wala siyang kasabay umuwe at doon nakakasama ko siya. Pinaki lala ko siya sa aking magulang ayos naman kase nagustuhan agad spiya nito saya ko. Mag kasama kaming mag j.s ang saya dahil buong gabi kameng mag kasama pero medyo barino kase makulit siya.Niyayaya ko siyang mag date muna kame pero umuwe na siya kasi andun ang ate niya na bagung dating.

ako at ang aking girlfriend

                       Nag forth year ako eto my bagong kakilala nanaman ansaya pero minsan problemado.Dumating ung araw na nabuwag ang aming grupo pero nag karoon parin naman ako ng bagong grupo. Nakilala ko sina Phaeng, Gilo at sina Rap. Lage kameng sabay sabay kumain pero minsan hindi kase minsan hindi napasok yung iba pero ayos lang kase meron panaman kameng kasabay eh. Masaya kame lagi kaming nag gagala at isang araw pumunta siya sa amin at doon naipakilala ko siya sa aking magulang. Tangap nila ito pero pag aaral daw at may limitasyon ang aming pag rerelasyon.


                         Dito po nag tatapos ang aking talambuhay salamat po sa bumasa.               
ako ito forth year student


Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay Ni Camille Casinillo

ito ako at kasama ko ang mga ninong ko 
           Ako si Camille Casinillo ipinanganak ako noong Dec.19,1994, isinilang ako sa Brgy. San Mateo San Pablo City, kung saan doon din ako nakatira.Bininyagan ako noong March 19,1995  at sa simbahan ng wawa ako bininyagan. Ang mga magulang ko ay sina Marivic Casinilo at Floren Caliwagan. Kaya ang ginamit kung last name ay ang sa ina ko kc di sila kasal ng ina ko. Dalawa lamang kaming magkapatid at ako ay bunso. Ito po ang picture ko nung bininyagan ako, at kasama ko po ang mga ninong ko po.

ito ako 
          Noong isang taon palang ako at tatlong taon palang ang kuya ko ay iniwan nakami ng ina namin. Pero kahit niya kame iniwan may nag alaga naman samin ang ama ko at ang lola ko, marami pang nag alaga samin. Pero di nag tagal nag asawa ulit ang ama ko at ang napangasawa niya ay masama ang ugali di rin nagtagal nag bago ang ugali ng ama ko. Nag kaanak sila ng dalawang babae at sobra din ang sama ng ugali kaya di kame nag kakasundo ng anak nila ng asawa niya, at ganun din lumayo narin ang loob ko sa ama ko at nagalit ako pero ang kuya ko ay di lumayo ang loob sa ama ko. Umalis ako sa bahay namin at tumira ako sa lola ko, at sila ang nag alaga sakin pero kahit ako ay umalis sa ama ko binibigyan padin ako ng baon pag napasok ako. Pero di nagtagal iniwan din kame ng ama ko  kinuha na siya ng diyos samin, kaya siya namatay ay dahil sa madrasta ko kasi simula ng naging asawa niya yon naging barumbado nasiya at napaaway siya dahil sa asawa niya, lahat ng pamilya ko ay galit sa asawa ng ama ko. Ito po ang picture ko, nung birthday po ng asawa ng ninang ko.


ito ako nung graduation nung elementary ako
              Graduate ako ng Elementarya sa Brgy. Sn Marcos Elementary School noong March 28,2007, masaya ako ng makagraduate ako kasi kasama ko at nag kabate kame ng ama ko, noong napasok pa ko ay buhay pa ang ama ko. Pero mag ka away kame ng kuhya ko, lagi ang baon ko ay 30 pesos nagagalit ang lola ko kasi ang laki daw ng baon ko kasi daw malapit lang ang school samin dapat daw 10 pesos lang ang baon ko. Marami naman akong naging kaibigan, pag wala kaming pasok nag lalaro kame samin ng chines garter at jackstone minsan naman ay barbie, noong napasok di ko malilimutan ang birthday ko kasi sinurpresa ako ng tatay ko diko kasi alam na pinag handa ako at sa school pa sobrang saya ko talaga noong araw nayon at marame akong bisita. Masaya ang papa ko na naka graduate ako kasi nauna akong gumaraduate kay kuya, kasi tamad ang kuya kong pumasok grade 4 lang ang natapos niya kaya sabi ng lola ko sikapin ko daw makatapos at tulungan ang kuya ko. Ito naman po ang picture ko nung grduatin ko ng elementary.

                Noong High School naman ako ay masaya din noong first year ako para kaming mga Elementary kasi nag lalaro parin kame ng mga classmate ko ng chines garter, isang arfaw naglalaro kame at nadulas ako lagapak na ang puwet ko sobrang sakit. Kinabukasan hindi ako nakapasok kasi masakit parin ang katawan ko. 


ako at si russel
                   Bakasyon na nag swiming kame sa monte vista at pumunta kami ng maynila binisita namin ang lola ng pinsan ko pag katapos naming pumunta don pumunta naman kami sa divisorya namili kame ng mga damit at kumain kame sa greenwich. Nag bakasyon ako sa cavite at ng kuya ko, masaya naman ang bakasyon ko kasi lage akong busog sa cavite dami pagkain taba ko tuloy. Pero nung pasukan  namamayat na ako  kasi napapabayaan ko naang sarili ko kasi minsan tamad akong kumain malapit na ulit ang pasukan pupunta nanaman kami sa divisorya at mamimili ng gamit. Nong pag uwi ko may masamang nangyari sa ama ko nag away sila ng kapit bahay namin nasaksak ang ama ko at namatay siya. Ito naman po ang picture namin ng boyfriend ko.


                    Noong secondyear ako malunngkot ko kasi wala ang ama ko pero isang araw may nakilala ako at classmate ko siya at niligawan niya ako, masaya ako ng nakilala ko siya kasi napasaya niya ako. Sa oras na malungkot ako andiyan siya para pasayahin ako. Nag papasalamat ako sakanya kasi andiyan siya sa piling ko, minsan nag aaway din kame pero saglit lang at masaya naulit kame.

                     Malungkot ang   third year ko  kasi hindi ko classmate ang mahal ko  tumaas ang section ko siya ay ganun pari ang section at nag kahiwalay kami. Masaya ako kasi pinaayos ng pinsan ko ang bahay namin kasi guhsto ng pinsan ko bago mawala ang lola ko makatira siya sa magandang bahay subalit hindi natapos  ang bahay namin kasi nag away away ang pamilya ko dahil sa lupa. Isang araw dinala ang lola ko sa ospital kasi suminga ang sema niya sa paa at nag karoon  din sa puwet, di nag tagal ay nawala narin ang lola ko. Ang lungkot talaga ng buhay ko kasi sunod sunod ang nawawala ang mahal ko sa buhay.

camille and russel
                      Masaya ako nitong forth year kasi makakatapos narin ako ng pag aaral at matutulungan ko na ang kapatid ko. Masaya ang birthday ko kasi pinaghanda ako ng pinsan ko, tapos pumunta kame ng moa at sa caviti ako nag pasko. Noong bagong taon doon din at kasama ko ang mahal na mahal kong asawa. Ang saya ng bagong taon ko sarap ng mga pag kain at ang daming paputok. Sa ngayon sa boyfriend na ako nakatira kasi simula nung nawala ang lolo ko umalis na ako samin, si Russel at ang mama na niya ang nag papaaral sakin. Kaya pinipilit ko ngayon na makatapos ako ng pag aaral para suklian ko ang pag papaaral nila sakin, at para matulungan ko na ang kapit ko at para matupad ko narin ang pangako ko sa papa ko at lola ko. Ito parin po ang picture namin ng boyfriend ko.



                        Nung fourth year ako marami ako naging kaibigan, at meron din tawag ang aming barkada yun ay jhudhaz. Naging masama ang aming barkada, pero di nag tagal ay nagkawatak-watak ang aming barkada. Dati di kami nag papansinan, pero ngayon ay nag papansinan na kami. Kahit papano ay naging masaya kami,ito po ang picture ng iba kung kaibigan.     
                   
jona at camille
krizelle at camille
mykka at camille
                                    Ito lang ang talambuhay ko...salamat po..